Tiwala ang National Economic Development Authority (NEDA) na hindi gaanong nakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang muling pagpapalawig ng alert level 3 sa Metro Manila at iba pang lalawigang sakop nito.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, mas magaan ngayon ang pagpapatupad ng resitriksiyon ng pamahalaan kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Matatandaang nawalan ng trabaho ang maraming Pinoy noong taong 2020 at 2021 matapos magsara ang ilang mga negosyo at iba pang mga establisyemento habang tigil pasada din ang ilang mga pampublikong sasakyan dahil sa pagpapatupad ng hard lockdown dulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, naniniwala ang opisyal na isa sa may malaking papel sa bansa ay ang mataas na vaccination rate sa mga matataong lugar sa tulong narin ng mga ahensya ng pamahalaan. —sa panulat ni Angelica Doctolero