Exempted sa ‘No Vaccination, No Ride’ policy sa mga pampublikong transportasyon ang mga manggagawang papasok sa kanilang trabaho kahit hindi pa sila bakunado o naturukan na ng isang dose pa lamang ng bakuna.
Sa naging pahayag ni acting presidential spokeman at cabinet secretary Karlo Nograles at labor secretary Silvestre Bello, III, ito ang kanilang tugon matapos mapaulat ang pag iyak ng isang babaeng empleyado na nadismaya makaraang hindi pasakayin ng mga nagpapatupad ng batas dahil first dose pa lamang ang bakuna nito.
Sinabi ni Bello na mga essential workers ang mga ito na kailangan para gumalaw ang mga negosyo kayat hindi kasali ang mga ito sa ipinatutupad na ‘No Vaccination, No Ride’ policy.
Exempted rin sa naturang polisiya ang mga mayroong medical conditions na hindi pwedeng magpa bakuna basta’t magpakita lamang ng medical certificate. —sa panulat ni Angelica Doctolero