11 manufacturers na ng self-administered Antigen test kits ang naghain na ng aplikasyon sa Food and Drug Administration.
Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na susuriin pa ng FDA ang Antigen test kits bago ipadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa performance validation.
Ayon kay Vergeire, tatagal ng hanggang 2 araw ang performance validation para sa isang partikular na kit batay sa work load ng RITM.
Sa oras anyang matapos ito ay aabutin ng pito hanggang sampung araw bago lumabas ang registration o certification ng mga Home Administered Test Kits na papasa sa standards ng RITM at FDA.