Inanunsyo ng recording academy at CBS na nakatakdang idaos sa April 3 sa Las Vegas ang 64th Grammy Awards Ceremony.
Gaganapin sana sa January 31 sa Los Angeles Staples Center ang nasabing event ngunit ipinagpaliban muna ito ng mga organizer dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases at banta ng Omicron variant.
Ang komedyanteng si Trevor Noah ang napiling host para sa prestihiyosong event.
Kabilang sa leading nominees para sa 64th annual show sina Justin Bieber, Billie Eilish at ang filipino-american pop singer na si Olivia Rodrigo. —sa panulat ni Angelica Doctolero