Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Itbayat, Batanes kaninang alas-3:10 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol, na naitala sa 31 kilometro ng hilagang silangan ng Itbayat at may lalim na 184 kilometro.
Wala namang napaulat na pinsala at nasugatan matapos ang pagyaning ngunit pinag-iingat ang mga residente sa posibleng mga aftershocks.