Bukas ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ihiwalay sa transportasyon ang mga hindi pa nababakunahan kontra Covid-19.
Kasunod ito ng mungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na magkaroon ng ideya para maprotektahan ang mga unvaccinated laban sa virus.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kung posible ang plano ay maaari itong isagawa.
Pero posible itong magbunga ng problema tulad ng pagkalugi.
Una nang ipinaalala ni Bello na exempted ang mga manggagawa sa “no vaccine, no ride” policy dahil maituturing silang essential service sa ekonomiya. –—sa panulat ni Abigail Malanday