Bumaba sa 23% ang 7-day average ng kaso ng covid-19 sa Lungsod ng Manila.
Ayon sa OCTA Research Group, nagpapakita ito ng malinaw na ‘downward trend’ sa mga kaso.
Bumaba rin ang reproduction number o yung bilis ng hawaan sa Maynila na bumagsak sa 1.5 nitong Enero a-disi-otso, mula sa 1.73 nitong enero a-disi-siyete.
Maliban sa Manila, San Juan at Malabon na nakapagtala ng negative one week growth rates, dapat panatilihin ng ibang siyudad ang pagsunod sa health protocols para mapanatili ang trend ng kaso. —sa panulat ni Abigail Malanday