Binuksan na ng Manila Zoo ang pintuan nito para sa pagbabakuna ng mga edad dose hanggang disisiyete at mga senior citizens.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hanggang kaninang alas-8 na umaga ay umabot na sa 6,300 ang nakapagrehistro sa manilazoo.ph.
Nasa 1,000 individual ang kayang i-accomodate kada araw sa lugar para mabakunahan.
Nitong Nobyembre a-3 sinimulan ang pagbabakuna sa edad 12 hanggang 17.