Ipamamahagi na ng Commission on Elections (COMELEC) ang voters information sheet (VIS) sa mga botante bago ang May 9 polls.
Ito ang inihayag ni COMELEC–Education and Information Department director Elaiza David sa isinagawang virtual walkthrough ng ballot printing process.
Gayunman, aminado si David na wala pang detalye hinggil sa eksaktong petsa ng distribusyon ng VIS.
Sinabi naman ni COMELEC chairman Sheriff Abas na ang production at distribution ng VIS ay pangangasiwaan ng regional offices upang maiwasan ang delay.
Hindi anya ito katulad noon na centralized kung saan ang national printing office ang nangasiwa.
Tiniyak naman ng poll body na agad ipamamahagi ang VIS sa oras na makapaghanda ang mga regional office.