Aprubado na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 3.3 million pesos na pondo para sa nag-iisang kinatawan ng bansa sa Beijing Winter Olympics na aarangkada sa Pebrero a-4
Tanging si filipino-american alpine skier Asa Miller ang manlalaro ng pilipinas na lalahok sa nasabing torneyo.
Sasamahan si Miller nina Chef De Mission Bones Floro, Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar;
COVID-19 liaison officer Nikki Cheng, athlete and administrative officer Dave Carter, athlete welfare officer Jobert Yu at coach nito na si Will Gregorak.
Batay sa record, ito na ang ikalawang beses na sasabak si Miller sa Winter Olympics matapos lumahok noong 2018 Games sa Pyeongchang, South Korea.
Tutulak si Floro sa Beijing sa Enero a–27 habang inaasahan na susunod ang ilang delegasyon kinabukasan.