Umakyat na sa 844 ang bilang ng mga lugar sa bansa na nakasailalim sa granular lockdown bunsod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), 233 sa mga lugar na naka-lockdown ay mula sa National Capital Region; 210 sa Cordillera, 203 sa Cagayan; 165 sa Ilocos, 18 sa MIMAROPA at 15 sa Western Visayas.
Aabot sa 2,083 na mga indibidwal ang apektado ng granular lockdowns.
Nasa 297 tauhan ng PNP at 550 force multipliers ang naka-deploy sa nasabing mga lugar upang matiyak na nasusunod ang minimum health standards.