Pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na pagsasagawa ng COVID-19 test sa mga botika sa bansa.
Kasunod ito ng pag-arangkada ngayong araw ng ‘resbakuna sa botika’ kung saan ilang drugstores sa Metro Manila ang napili.
Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon, magandang ideya ito para mas maraming tao ang matest kung positibo sa COVID-19.
Ang antigen test at RT-PCR test ay isa sa importanteng daan para mapigilan ang virus.
Batay sa huling datos, nasa labing-isang manufacturer na ng self-administered test kits ang nag-apply ng approval sa Food And Drug Administration (FDA). —sa panulat ni Abby Malanday