Suportado ng National Youth Commission (NYC) ang panukala ni vice presidential candidate at Davao City mayor Sara Duterte na gawing mandatory ang military training sa mga kabataang edad 18 pataas.
Ayon kay NYC Commissioner Christine Joy Cari, maganda ang hangarin ng presidential daughter at makatutulong ito sa mga kabataan upang mas maging kapakina-pakinabang na mga mamamayan.
Hindi lamang naman anya pagsasanay sa paghawak ng armas ang dapat ituro bagkus magagamit din ang training sa disaster response, lalo kapag may bagyo.
Aminado si Cari na hindi lamang sa pag-oorganisa ng beauty pageant at basketball competition nais niyang magamit ang pondo ng sangguniang kabataan kundi sa ibang mas produktibong paraan.
Una nang inihayag ni Mayor Inday, na isang Philippine Army Reserve Colonel, na isusulong niya ang mandatory military training sa mga kabataan sakaling manalo sa pagka-bise presidente sa 2022 Elections.