Nasa 800 kahon ng pekeng Paracetamol at iba pang gamot ang nasabat sa Bambang, Maynila.
Naaresto naman ang sinasabing nagbebenta online ng mga naturang gamot na kinilalang si Monique Gamboa, 29 anyos.
Ayon kay Lt. Col. Rosalino Ibay, Jr., hepe ng Manila Police District (MPD) Special Mayors Reaction Team, nakatangap sila ng impormasyon sa online selling ng Paracetamol.
Bukod sa mga Paracetamol, tumambad din sa mga otoridad ang kahon-kahong Bioflu, Neozep at rapid test kits na pawang peke.
Nasa kustodiya na ng MPD ang suspek habanginaalam na kung saan nito nakakuha ng supply ng mga pekeng gamot. —sa panulat ni Mara Valle