Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang publiko na walang consular services gaya ng passport, authentication o red ribboning, consular civil registration at iba pang kaugnay ng transaksyon sa kanilang tanggapan sa DFA Aseana at sa lahat ng kanilang field o satellite offices sa buong National Capital Region mula ika-17 hanggang ika-20 ng Nobyembre.
Ito ay kaugnay ng idaraos na APEC Summit sa susunod na linggo.
Gayunman, maaari namang magtungo sa kanilang mga piling satellite office sa Metro Alabang, Ali Mall, Robinsons Galleria at SM Megamall sakaling may emergency consular needs ang ating mga kababayan.
Gaya na lamang ng pagkamatay ng kaanak na overseas, agarang medical procedures na kailangang gawin overseas at ang urgent na contractual obligations overseas.
Samantala magbabalik naman ang normal na operasyon ng DFA sa ika-21 ng Nobyembre, araw ng Sabado.
By Ralph Obina | Allan Francisco