Ninakaw ng mga tulisan ang nasa 42,000 antigen test sa Southern Sydney.
Sa impormasyong nakuha ng mga otoridad, isang lalaking naka-mascot ang pumasok sa isang freight depot saka ninakaw ang nasabing mga test.
Sa ngayon, nahaharap sa kakulangan sa pagsusuri para sa mga tinamaan ng COVID-19 ang Sydney.
Pero umaasa ang nasabing bansa, na aabot sa 52 milyong mga rapid test ang ipapadala ngayong buwan mula sa Asya at Estados Unidos. —sa panulat ni Angelica Doctolero