Dapat umanong bantayan ng pamahalaan ang kakulangan ng mga tauhan sa ilang mga ospital sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa bansa.
Nararanasan kasi ngayon ng mga ospital sa bansa ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa mababang COVID-19 vaccination rate at kakaunting medical facilities.
Ayon kay University of the Philippines COVID-19 Pandemic Response Team Jomar Rabajante, mahalaga na mamonitor ang mga numero ng bawat rehiyon at hindi lang ang pangkalahatang bilang ng mga nagpopositibo sa bansa.
Sinabi ni Rabajante na dapat mabigyang pansin ang mga rehiyon na may mataas na bilang ng mga tinatamaan ng nakakahawang sakit.
Bukod pa dito, dapat din na paigtingin ang paghikayat sa mga pilipino na magpabakuna lalo na sa mga probinsyang mababa parin ang porsyento ng mga bakunado. —sa panulat ni Angelica Doctolero