Patuloy na dumarami ng bilang ng COVID-19 cases sa Bacolod makaraang makapagtala ng mahigit 200 mga kaso.
Gayunman, ayon kay Dr. Chris Sorongon ng Bacolod emergency operations center, halos lahat ng mga kaso ay asymptomatic o mild cases lamang na kasalukuyang nananatili sa isolation facility o naka-home quarantine.
Aniya, sa ngayon ay nasa 44% ang hospital capacity utilization rate.
Tiniyak naman ni Sorongon na patuloy nilang binabantayan ang kanilang utilization rate lalo’t nahawaan na rin ng virus ang ilan sa kanilang health workers.