Pumalo sa 200% sa loob ng 8 araw ang bagong kaso ng COVID-19 sa labas ng NCR plus.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, umabot sa 12K kahapon mula sa 4K noong January 12 ang nasabing kaso sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay sa pagtataya, sinabi ni David na posibleng pumalo sa halos isang libo ang bagong kaso ng COVID-19 sa Cebu City sa katapusan ng Enero.
Sa kasalukuyan, ang reproduction number o antas ng hawaan sa isang lugar sa NCR ay nasa 1.58, 94/100 thousand population naman ang average daily atack rate (ADAR) habang ang health utilization rate ay nasa 58% o moderate risk.
Samantala, sinabi ni David na nananatili pa rin sa critical risk sa COVID-19 ang Metro Manila.—sa panulat ni Airiam Sancho