Inaresto ng National Bureau of Imbestigation (NBI) ang ilang dawit umano sa pangha-hack at pagnanakaw ng pera sa accounts holders ng BDO.
Naganap ito noong Disyembre kung saan nasa 400 ang naging biktima.
Sa nasabing entrapment operation, dalawang Nigerian at isang Pinoy na kasabwat nila ang nahuli.
Ayon sa NBI, nagsimula ang lahat ng sumuko ang isang alyas ‘pikachu’.
Agad namang nakipag-ugnayan ang nbi sa mga bangko para maiwasang maulit pa ang krimen.
Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act. —sa panulat ni Abby Malanday