Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 30,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), na sa 32,744 ang bagong kaso kung saan nasa 3,357,083 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Habang nasa 291,618 naman ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Nasa 3,012,156 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 16,385.
53,309 naman ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na maitala ang 156 na panibagong mga nasawi sa virus.
Samantala, nasa tatlo namang laboratoryo ang hindi nakapagpasa sa COVID-19 document repository system. —sa panulat ni Kim Gomez