Naglabas na ng pahayag ang kampo ni presidential aspirants senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos kaugnay sa ulat na 300 account ng Marcos Network ang sinuspinde ng twitter.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Bongbong Marcsos, pinuri nila ang management ng twitter dahil sa pagkondena sa platform manipulation, spam at iba pang gawain na labag sa rules nito.
Pero sa kabila nito, binalaan ni Rodriguez ang twitter laban sa mga gumagamit nito na ginagawang daan upang magkalat misinformation.
Anila pa, kung ituturing na totoo na daan-daang account ang nasuspinde, wala namang batayan na supporters ito ni Bongbong Marcos.