Isa patay habang lima ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Abra.
Kinilala ang nasawi na si Dey-Ann Del Rosario Biyernes, 23 anyos. Habang dinala sa ospital upang malapatan ng lunas sina Pixie-Ann Del Rosario Biyernes, 22 anyos; Alberto Dogayan, 61 anyos; March Annaban Baltazar, 54 anyos; joe Bonggayan Kanor, 48 anyos, at ang driver na si Oliver Apangwen Wilan, 39 anyos.
Ayon sa mga otoridad, binabagtas ng pampasaherong jeepney na minamaneho ni Wilan nang biglang parating ang isang sasakyan sa kasalungat na direksyon.
Sinubukan ng jeep na bigyan ng daan ang nasabing sasakyan subalit nawalan ng kontrol ang driver sa manibela hanggang sa tuluy-tuloy na mahulog sa bangin at una ang bubong na nag-dive sa ilog.
Patuloy na inimbestigahan ng mga operatiba ang pinangyarihan ng krimen at hinahanap umano ang driver ng sasakyang iniwasan ng jeep. —sa panulat ni Kim Gomez