Patay ang anim na sibliyan habang tatlumpu ang sugatan matapos ang sunod-sunod na pagpaputok ng artillery shells ng mga hindi kilalang indibidwal sa Beirut, Lebanon.
Naganap ang pag-atake sa isang rehiyon kung saan naroroon ang mga Kurdish Fighters at Syrian Regime Forces.
Ayon sa mga otoridad, nangyari ang pamamaril isang linggo matapos maglunsad ng pag-atake ang isang suicide bomber malapit sa base militar na suportado ng Turkey sa Afrin.
Kung saan, inagaw ng turkey at mga proxy nito ang kontrol sa teritoryo sa loob ng syria sa ilang operasyong militar na inilunsad mula noong 2016 laban sa grupong Islamic State at sa Kurdish Yekîneyên Parastina Gel (YPG Militia).
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente. —sa panulat ni Kim Gomez