Kalaboso ang isang lalaki matapos umanong mahuling nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa Guillermo St., Brgy. Bayanan Muntinlupa City.
Kinilala ang suspek na si Romel De Guzman, nakatira sa nasabing barangay.
Maliban sa buy-bust money na dalawang daang piso, nasabat din mula kay De Guzman ang mahigit isang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sampung libong piso.
Sasampahan ang suspek ng reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.