Pinag-aaralan ng pamilya ng napatay na Calbayog City mayor na si Ronaldo Aquino ang posibleng pag-apela sa kaso matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong murder laban kina Raymund Uy at dating Samar vice governor Stephen James Tan.
Sina Uy at Tan ang hinihinalang utak sa pagpatay kay Aquino noong nakaraang taon kung saan nadamay ang tatlong iba pa.
Bagama’t naabswelto ang dalawa, pinasasampahan naman ng DOJ ng mga kasong frustrated murder at murder ang siyam na pulis na umano’y dawit sa krimen.
Ayon kay Ronald Mark Aquino, hindi pa maituturing na sarado ang kaso laban kina Uy at Tan.