Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ng mga otoridad sa Sorsogon.
Ayon sa report, kinakasa ang isang operasyon ng mga pulis nang makasagupa ng mga ito ang 20 rebelde, kung saan isa ang napatay ng mga otoridad.
Narekober ng hanay ng mga pulis ang hindi pa nakikilalang bangkay gayundin din ang ilang baril.
Samantala, sinabi ni Brigadier General Aldwine Almase, 903rd Brigade Commander, napigilan ng operasyon ang pagtatangka ng mga rebelde na magsagawa ng extortion activities at pananakot na posibleng may kaugnayan sa darating na halalan.