Gumaganda na ang kalidad ng tubig sa Manila Bay sa Maynila.
Ayon kay Elenida Basug, Climate Change Service officer-in-charge (OIC) director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), bumaba ang coliform level ng Manila Bay sa 21,100 per 100 milliliters mula sa 5.75 milyon kada 110 milliliters .
Malaking tulong dito ang mga isinagawang clean-up activities at declogging na naganap mula sa Enero hanggang Setyembre 2021.
Nagsimula ang DENR-Rehabilitation Program nitong Enero 2019 kung saan kasama ang paglikha ng Dolomite Beach sa Baywalk. —sa panulat ni Abby Malanday