Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) na luwagan ang quarantine protocols para sa mga dayuhan na bumibisita sa bansa.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, kailangang malaman ang mga tamang rekomendasyon na angkop dito.
Tiniyak naman ng kagawaran ang kahandaan lalo na ang pagpapatupad ng four-door policy na unang naganap sa kasagsagan ng pagtaas ng kaso dahil sa Delta variant.
Ito ay ang;
- Border control
- Active surveillance, kasama na ang testing at tracing
- Maagang isolation at treatment ng mga nag-positibo at
- COVID-19 vaccination program —sa panulat ni Abby Malanday