UMAPELA ang National Vaccination Operations Center o NVOC sa publiko na magsabi ng totoo tungkol sa tinanggap nilang COVID-19 booster shots.
Ang pahayag ay ginawa ni NVOC Chairperson Myrna Cabotaje matapos mapag-alaman na plano ng ilang indibidwal na magpaturok ng fourth dose.
Aminado si Cabotaje na mabagal ang verification sa vaccination status kung kaya’t posibleng magkaroon ng pagkakataon ang ilan na makakuha ng ika-apat na dose ng vaccine.
Paliwanag ni Cabotaje, hindi mapanganib ang pagkakaroon ng multiple shots pero mahirap aniyang tukuyin kung alin ang nagdulot ng side effect sa isang indibidwal sa oras na makaranas ito ng epekto mula rito.