AMINADO si Philippine Ports Authority o PPA General Manager Jay Santiago na hirap silang tukuyin kung ano ang tunay at pekeng vaccination card.
Ngunit nagbabala sa publiko si Santiago laban sa paggamit ng fake documents.
Samantala, napag-alaman na nahihirapang pumasok sa Iloilo City ang ilang biyahero lalo na ang mga dumadaan sa North Port Passenger Terminal dahil sa kawalan ng sPass document.