Ipapadala ng France ang pinakamalaking warship nito para makiisa sa operasyon laban sa Islamic State sa Iraq at Syria.
Ayon sa ulat, layon ng hakbang na ito na mas mapabilis ang air strikes laban sa IS.
Tinatayang nasa 40 aircraft ang kayang dalhin ng naturang warship ng France na magsisilbing base ng mga eroplanong pandigma sa gitna ng karagatan hanggang Abril.
Simula makiisa ang France sa paglaban sa IS, nakapaglunsad na ito ng 271 airstrikes sa mahigit 1,200 aerial missions sa Iraq.
By Ralph Obina