Nanindigan ang Amerika na mananatili ang presensya nito sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ni US Defense Secretary Ash Carter sa kaniyang naging pagbisita sa tropang Kano na nakabase sa USS Theodore Roosevelt na nagpapatrolya sa lugar.
Muling binigyang diin ni Carter na sumosobra na ang China sa patuloy nitong pagpupumilit na angkinin ang kabuuan ng South China Sea kung saan, may bahagi rin dito ang Pilipinas.
Iginiit ni Carter ang patuloy na suporta ng Amerika sa Pilipinas gayundin sa iba pang mga bansang apektado ng malawakang pananakop ng China kasunod ng ipinatutupad nitong 9-dash line.
By Jaymark Dagala