Nag-deploy ng karagdagang health workers ang Philippine National Police (PNP) at Department of Health (DOH) sa Northern Samar kasunod ng nararanasang kakulangan sa tauhan ng mga ospital maging ng mga klinika at laboratoryo matapos tamaan ng COVID-19 ang maraming Health workers sa nasabing rehiyon.
Sa pahayag ni Northern Samar Provincial Health Office Dr. Ninfa Caparroso-Kam, naka-isolate na ang mga health workers na nakakaranas ng mild symptoms ng COVID-19.
Ayon kay Caparroso-Kam, marami sa mga nagkasakit ay kontraktuwal, walang leave credits at walang benepisyong nakukuha mula sa pamahalaan.
Bukod pa dito, hirap din o walang kakayahan ang mga Health workers sa pagbabakuna kontra COVID-19 dahil mahirap puntahan ang ilang lugar kaya nasa apat napung porsiyento pa lamang ang may kumpletong dose ng bakuna sa probinsya. —sa panulat ni Angelica Doctolero