Tatlong magkakamag-anak ang patay sa magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Milagros, Masbate.
Kinilala ang mga nasawing biktimang sina Bengie Cataga, Jonel Verona at Jeddah Raven Dizon, pawang residente ng barangay Capaculan.
Sugatan din ang iba pa nilang kaanak na sina Juanito, Artemio at Michille Cataga; Nino Rosero at Felomina Dizon na pawang isinugod sa masbate provincial hospital.
Ayon kay Maj. Rustom Dela Torre, hepe ng Milagros Municipal police, ilang hindi pa mabatid na bilang ng salarin ang pumasok sa bahay ng mga biktima at pinagbabaril ang mga ito.
Narekober naman sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng caliber 9mm, 45 pistol at 5.56 rifle.
Inaalam na ang motibo at sino o anong grupo ang nasa likod ng krimen.