Aminado si presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na isa sa malaking problema ng bansa ay ang gobyerno.
Ayon kay Lacson, ang gobyerno ang dahilan kung bakit nag-iiba ang ugali ng mga pilipino kung saan, nawawalan ang mga ito ng respeto at tiwala sa mga namumuno sa bansa.
Sinabi pa ni Lacson na isa sa mga kamalian ng mga Pilipino ay ang pagtigil na mangarap, kawalan ng pag-asa at ang hindi pagtutulungan ng bawat isa.
Sa kabila nito, naniniwala si Lacson na ang gobyerno ang solusyon para mabago ang pananaw at maging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino. —sa panulat ni Angelica Doctolero