Umabot na sa 82 ang kabuuang bilang ng mga nasawing preso sa airstrike na tumama sa isang kulungan sa Yemen.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, mga rebeldeng grupo ang may pakana ng pagsabog kung saan, sugatan pa ang nasa 265 indibidwal.
Ayon sa mga Rescuer, patuloy pang isinasagawa ang search and rescue operation habang inaalam nadin ang dahilan o motibo sa naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero