Muling inabisuhan ng Department of Health ang publiko na ipagpaliban muna ang pagdaraos ng mga pagtitipon, tulad ng family reunion sa Chinese New Year sa susunod na Linggo.
Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring maging dahilan ang mga nabanggit na aktibidad upang magkahawaan sakaling makasalamuha ng isang positibo sa COVID-19.
Ayon kay Vergeire, kahit bakunado ay maaari pa ring mahawa at makapanghawa kaya’t mas maiging ipagpaliban ang mga pagtitipon upang makatulong sa pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.
Samantala, target ng DOH na palawakin ang “Resbakuna sa mga Botika” sa iba pang rehiyon sa kalagitnaan ng Pebrero.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng national vaccination operations center, bukod sa buong NCR, ilalarga din nila sa Region 3 at 4-A ang Phase 2 ng naturang programa.