Posibleng nalalapit na ang panibagong yugto at pagwawakas ng COVID-19 pandemic sa Europa dahil sa Omicron variant.
Ito ang inihayag ni World Health Organization – Europe Director Hans Kluge kasabay ng babala na maaaring 60% ng populasyon sa kontinente ang tamaan ng Omicron sa Marso.
Ayon kay Kluge, sa sandaling humupa ang surge ng Omicron sa Europa, posibleng magkaroon ng ilang linggo o buwang global immunity, na maaaring dahil sa bakuna at pagbabago ng panahon o klima.
Gayunman, hindi anya malabong bumalik ang COVID-19 sa pagtatapos ng taon pero maaaring hindi na ito maging isang pandemya.
Nilinaw naman ni Kluge na hindi pa nila masabi sa ngayon kung ngayong taon maaaring maging “endemic” na lamang ang COVID-19.