Umakyat sa 900 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown upang mapigilan ang kaso ng COVID-19.
Sa datos ng Philippine National Police, 330 mga lugar ang nakapailalim sa lockdown sa Cagayan, 233 sa Ilocos, 212 sa Cagayan, 106 sa National Capital Region, at 19 sa MIMAROPA.
Aabot sa 2,557 katao ang apektado ng granular lockdowns.
Mahigpit namang tinututukan ng 211 na pulis at 443 force multipliers ang nasabing mga lugar upang matiyak ang seguridad at nasusunod ang minimum health standards.