Pauwi na ng bansa ang 10 Pinay na nailigtas sa Kurdistan region sa Iraq.
Ayon kay Philippine Charge D’Affaires Elmer Cato, magkatulong ang Philippine Embassy at Kurdistan Regional Government ng Iraq sa pag-rescue sa mga Pinay.
Ang sampung Pinay ay nagtratrabaho sa isang spa sa Erbil na pag-aari ng isang Lebanese national.
Labing dalawang (12) oras umano kada araw ang kanilang trabaho at tatlong oras lamang sa loob ng isang linggo ang kanilang off.
Maliban dito, 300 dolyar lamang umano ang kanilang natatanggap mula sa 500 dolyar na pangakong suweldo ng spa.
Nakatali rin sa debt bondage ang mga Pinay kung saan pinagbabayad sila ng 10,000 dolyar kung gusto na nilang umuwi kahit hindi pa tapos ang kanilang kontrata.
By Len Aguirre