Nakabalik na sa trabaho ang halos 80%-90% ng mga healthworkers sa ospital ng Imus na tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa opisyal na si Doctor Jennifer Roamar, umabot sa halos 35% katumbas ng 130 empleyado ang nagkasakit ng nasabing virus.
Sinabi rin niya na karamihan sa mga pasyenteng naka-admit sa kanilang ospital ay nagpakita lamang ng moderate symptoms.
Samantala, muling nagpaalala si Roamar na importante ang pagpapabakuna para hindi lumala ang sintomas ng COVID-19. – sa panulat ni Airiam Sancho