Ipapamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ang 1,500 binhi ng palay sa mga magsasaka sa Caraga Region na naapektuhan ng bagyong Odette.
Ito ay bahagi ng ipinangako ng DA-Mindanao Cluster Regional Offices kaugnay sa rehabilitation efforts sa farming sector ng nasabing rehiyon,
Maliban dito, naglaan din ang DA-Caraga rice program ng 685 ng certified rice seeds at 200 hybrid rice seeds sa mga naturang magsasaka.
Samantala, nakatakdang magbigay ang DA-Philrice-Agusan Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) seed program ng 884 bag ng nasabing binhi sa Butuan City at halos 1K bag para sa munisipalidad ng Agusan Del Norte. - sa panulat ni Airiam Sancho