Napanatili ni Cameroonian Fighter Francis Ngannou sa Ultimate Fighting Championship (UFC) 270 ang kaniyang heavyweight title.
Ito’y matapos na talunin si Ciryl Gane via unanimous decision sa laban na ginanap sa honda center sa Aneheim, USA.
Bagamat nahirapan si Ngannou sa first round ay nakabawi ito sa second round at tuluyang pinataob si Gane.
Samantala, inamin nito na mayroon siyang iniindang injury sa kaniyang tuhod. - sa panayam ni Airam Sancho