Nagbabala sa publiko ang mga eksperto sa masamang epekto ng pag-skip o pagliliban sa pagkain.
Base sa pag-aaral ng mga eksperto, karamihan sa mga nakakalimot kumain ay ang mga taong nasosobrahan sa pagtulog, mga taong busy at mga taong late kung umuwi.
Dahil diyan, posibleng bumaba ang iyong timbang pero hindi ito healthy dahil ayon sa pag-aaral ng Ohio State University, bababa ang iyong timbang sa una ngunit sa katagalan ay magkakaroon ka din ng belly fat mula sa mga muscles dahil sa timbang na nawawala kapag nakakalimutang kumain.
Maaari ka ding magkaroon ng nutrient deficiency na magduduot ng fatigue, poor mental function at iba pang sakit na kailangan ng agarangkonsultasyon sa dietitian para makakakuha ng sapat na protein, vitamins, minerals at essential fatty acids.
Ang mga hindi kumakain ng agahan ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng type 2 diabetes at posibleng mawalan ng energy dahilan para bumaba anga ting immune system at makaranas ng pagka-stress matapos ang heavy physical activity.
Posible ding makaranas ng pagka-hilo, pagod, labis na pagkagutom at impeksyon ang mga taong hindi kumakain sa tamang oras at posibleng magkaroon ng gastric acidity o acid reflux.— sa panulat ni Angelica Doctolero