Nahihirapan ang ilang manggagawa sa online application para sa 5,000 peso one-time cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) na COVID Adjustment Measures Program (CAMP).
Ayon sa DOLE, ginawang online ang proseso para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19 pero puwede naman anilang tulungan ang mga manggagawa.
Nauna nang hinikayat ng DOLE ang mga employer na sila na ang mag-apply para sa lahat ng empleyado dahil na rin may mga kakailanganing dokumento, gaya ng temporary o permanent closure report at payroll o listahan ng mga sinasahurang manggagawa.
Puwede naman ang individual application pero hihingan pa rin ang manggagawa ng notice of termination o layoff o di kaya ay notaryadong affidavit na nagpapaliwanag kung paanong natigil sa trabaho.- sa panulat ni Mara Valle