Patuloy na nagkakaroon ng downward trend o pagbaba sa COVID-19 reproduction number sa National Capital Region.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, sa unang pagkakataon bumaba sa 0.91 ang naitalang reproduction number kung saan nagkaroon ng pagbaba ng kaso maging sa aktibong kaso sa Metro Manila.
Ang reproduction number na nananatiling mababa sa 1 ay nangangahulugan ng pagbagal ng hawaan ng virus sa bansa.
Magugunitang, bumulusok sa 6 ang reproduction rate sa NCR nitong January 2, 2022.