Nasa 31 manufacturers pa ng antigen COVID-19 self-test kits ang naghihintay ng approval mula sa Food and Drug Administration o FDA.
Ito ang sinabi ni acting spokesperson at cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles kasunod ng pagkakaapruba sa Abbott Panbio at Labnovation Technologies COVID-19 antigen self-test kits.
Ayon kay Nograles, naipaabot na ang aplikasyon ng 31 manufacturer sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa ebalwasyon.
Sakaling makapasa, bibigyan na rin sila ng appoval ng FDA.