Suportado ng Malacañang ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagkawala ng ilang lalaki matapos pumunta sa mga sabungan sa Laguna at Batangas.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, kung kailangan ng PNP ng tulong ay naka-antabay ang National Bureau of Investigation at Department of Justice.
Maaari rin anyang sumaklolo ang Criminal Investigation and Detection Group.
Noong isang linggo ay napaulat ang pagkawala ng sampung lalaki matapos pumunta sa sabungan sa Sta. Cruz, Laguna.
Tatlong araw ang makalipas ay lima pang sabungero mula naman sa Bulacan ang nawala makaraang lumahok sa isang Cockfighting Tournament sa Lipa City, Batangas.