Nanindigan ang Malacañang na walang nasayang na Resources sa War on drugs ng Duterte administrasyon dahil nagresulta naman ito sa pagkakasabat sa P74B na halaga ng iligal na droga.
Ito ang tugon ni Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles sa batikos ni presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson, na nakatuon lamang sa Enforcement ang Drug war dahilan para mahirapan itong mawalis ang illegal drugs.
Ayon kay Nograles, simula pa Noong July 2016 ay maraming laboratoryo na ang sinalakay o winasak ng mga otoridad.
Tuluyan din anyang winalis ang illegal drugs sa mahigit 23K barangay.
Iginiit din ni Nograles na hindi kinukunsinte ng Administrasyon ang Extrajudicial killings at kung sino man anya ang akusado ay tiyak na mananagot sa batas.